Hay.... Valentines na nman ....



3 tulog na lang mula ngayon, araw na ng mga puso... o iyon tinatwag nilang "Valentines day".. (pressure) sa akin.. heheh nuon pero hindi na ngayon... =)


Napaisip ako, kailangn ko sumulat .. para sa araw na ito, pero tagalog naman para kakaiba...para maiba...dapat 'iyon hindi naman masaklap ang wakas... kailangn maiba man lang hindi naman puro "saksak puso tulo dugo" ang tema... mahirap yatang gawin iyon ah.. pero sige susubukan ko pa rin.. at kahit man lang sa pagkakataong ito,, sabay-sabay natin ipikit ang ating mga mata (para matulog).. este ... sabay sabay natin ipikit ang ating mga mata upang magbalik tanaw hayaan natin dalhin tayo ng ating kamalayan sa mga sandaling pinasaya tayo ng salitang "PAG-ibg"


Eh ang tanung ko bakit nagpupulang damit sa valentines day. kagaya ng pasko , birthday , Bagong taon at bagong taon ng mga intsik..=) sige sa ssunod na taon my sagot na ako sa tanung na yan sa ngayon kailangn ko na mag inlove inlaban hehheh...


Masiyahin naman akong tao, hindi nagtatagal ang EMo sa katawan ko, maliban na lang kung bonggang bonggang sakit sa puso ito at paulit ulit ako kukulitin ng taong nagiging dahilan ng pag EMO ko pero kung hindi nman mabilis lang mawala 'yon sa katawan ko ayaw ko kasi ng malungkot eh iniisp ko na lang, hindi ko naman kawalan iyon lalo na king alam ko nman binigay ko naman ang best ko, eh  ikaw ba nman masabihan ng lagi ka na lang tama.....! eh ang sagot nga namin diyan ni lola gel.. "Eh pano lagi kayo mali..!" heheh.. teka sabi ko magandang alaala di ba pero bakit  sumbatan itong sinsabi ko.. hehehe sige ito seryoso na talaga...


Ano nga ba masarap pag in-lab.. masaya sa umpisa hhahaha nega pa din..

Minsan di sapat na mahal mo ang isang tao, at alam mo na mahalaga ka para sa ka niya, kasi bago ang lahat.... dapat alam mo ang pinagkaiba ng MAHAL sa MAHALAGA LANG!, 'yon tipong bakit ka ba nia Mahal?
Mahal ka ba niya kasi kailangan ka niya? o  Kailangan ka niya kaya Mahal ka niya... magkaiba iyon tandaan niyo yan.



Masarap ang pakiramdam ng Mahal ka ng taong Mahal ka din iyon tipong ikaw ang lahat sa kanya walang tutumbas dun .. sabi nga ni Paul a.k.a Apollo sa My Amnesia Girl movie, mapalad ang taong  nahanap na yung taong pra sa kanila. May mga taong patuloy na naghhanap at may iba na sumuko na. pero yung pinakamasaklap, eh yung NASA SAYO NA EH PINAKAWALAN MO PA.. (eh iyon lang kasi ang mga lalaki minsan tatanga -tanga talaga 'yan sinasaktan ang babae,sabi 'yan ni fafa jack ha) hahaha.. bitter talaga pasensiya na... konti motivation pa, para positve na sa susunod na paragraph...


Basta ito lang ang tatandaan ninyo...
kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, 'yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa'yo?..wala nang nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga.. dahil makabalik ka man sa lugar pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang nararamdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa ng lamang masayang gunita ngayon.Isang bintana sa kahapon, na paminsan minsan ay gusto mong masulyapang muli. Sabay bulong sa sarili sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon.


Nasa huli daw nga kasi ang pagsisi pero sabi nga experience is our best teacher,at hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi (sori sa word), pa-fall o paasa." hahah..pero "Kahit anong bagal mo kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya maaabutan.. kahit mag stop over ka pa." .. weeehhhhhhhhhhh


Ang pinaka masayang bahagi ng pagiging in love eh nagagawa mo posible ang akala mo eh imposible nababago nito ang pananaw mo. Napapagastos ka nito kahit barat ka, nagppagising ka nito ng maaga para asikasuhin siya kahit nakapakit ka pa habang nagtitimpla ng kape... natututo ka mag plantsa kahit kahit gusot pa din pagkatapos,keri na.. Nahahalungkat mo sa baol ng talento mo sa pagluluto at nagagawa mong tiisn mo ang silaw sa araw para maabutan mong bukas ang talipapa para makabili ng lulutuin mo para sa kanya... Nagppaka superwoman ka kahit pagod antok na my request sige pa din ok pa din hehehe....Hindi mo nakukuhang mapagod kasi masaya ka naman.. at mahal mo iyong tao... (lecheng pag-ibig 'yan heheh)


Pero sabi nga ng isang kaibigan, " buti pa kapag nalasing ka sa RH itutulog mo lang pag gising mo ok na, pero pag nabigo ka sa pag ibig I-NGANGA mo talaga ng bonggang bongga " hahaha


Sabi nga nila pagkatapos ng mahabang ulan sa buhay mo my 7 kulay na biglang susulpot at mag sisilbing tanda na my pag asa sa bawat pasakit,parang sa pa ibig ... pagkatapos ng isang malupit na kabiguan my mga tao pang pwedeng paglaanan ng iyong wagas na pagmahal,kaya lang problema, kadalasan sa dami ng kulay na pagpipilian.ung dati pa rin kulay ang paborito mo.. ganun pa man hindi naman laging ganun di ba.. minsan my mga bagay na ayaw mo tignan kasi mapupuwing ka, pero  hindi mo alam katagalan nabubulag ka na pala nito...


Sa araw ng mga puso - or valentines day.. libo libong wax na naman ang masusunog.. kikita na nman ang mga restaurants, hotel at motel.. jackpot na naman ang dangwa nito at ang mga flower farm.. magliliwanag na nman ang gabi sa mga maririkit na kandila.. magkukulya pula na naman ang paligid.. pero kagaya din ng pasko, bagong taon  - lilipas din ito pwedeng idaan sa tulog pagising wala na ... malalanta ang   mga bulaklak pero higit na importante na sa bawat labing dalawang rosas na ibibigay sa iyo - sana sa ika -labing tatlong ibaabot sayo isang bulaklak na kahit kailang hindi malalanta.... at iyon ang importante sa lahat.. ang pagmmahal na pwedeng makipag matagalan sa panahon.. iyong kayang maging matatag sa kahit na ilang unos pa ang dumaan sa relation ninyo.. na hindi pananakal ang magiging tingin sa pagmahal na binibigay mo sa kanya.. hindi girlfriend or boyfriend ang magiging turing sa iyo kundi "partner" sa lahat ng bagay..kaaway.. at kakampi mo.. ur best friend and ur worst enemy in one complete package,  iyong magiging flawless ka pa din sa paningin niya kahit sa katotohan eh malapit ka ng kainin ng lupa ... na magiging musika pa din ang pakinig kapag tinalakan mo...at higit sa lahat iyon kaya kang mahalin ng ikaw lang ng isang daang porsiyento at kayang kang panindigan at ipaglaban sa lahat ng panahon.. mahirap ang daan patungo dito pero lagi may magsisilbing gabay patungo sa kaayusan ng buhay.. basta gusto lang..  


Nuon pressure sa akin ang valentines day, kasi my date ang lahat.. dapat ako din, pero ngayon wala naman kahit anu ang nararamdaman sa unang pagkakataon, dahil alam ko  lilipas din ito gaya ng ilang pasko at bagong taon nagdaan, dahil ang mundo ay magppatuloy sa pag ikot nito.. sabi ko nga no matter how long we have waited and failed there will always be someone meant for us, someone who will always love you just the way you wanted to be love....

Love never gives a guarantee of permanence but it always gives hope. Love doesn't promise forever but it gives us faith to believe...

True love makes us cry but the tears that it brings can breathe a new life , a new beginning and a new hope to those who believe and those who find the COURAGE to " MOVE  ON" and LOVE AGAIN"..

 The right man will come along in  Gods perfect time... someone who  truly deserves my time love and affection.who will unselfishly loyal.. til then..

the beautiful  Redz  will smile again and will be truly happy in the loving arms of that person..



Meantime ... wishing you all - Happy  Puso !!!!!!!!.... enjoy it.. Gudluck.... =)



Comments