She is my TAURUS the BULL , Friend

                                  She  is my TAURUS the BULL , Friend

The bull has been a symbol of strength, tenacity, virility, and power. Left alone, a bull will happily graze; but if it is bothered, it will charge! Similarly, the Taurus personality is thought to be calm and peaceful, but when their anger is aroused, their temper can be wicked. Taureans are often quite disturbed by sudden changes--they prefer their lives stable and secure.

Taureans are thought to be persevering, strong individuals, who can also be quite "bull-headed". They can be dogged and determined when they have a goal in mind. Taureans are also quite sensual and, often, self-indulgent "beasts".

Above represents her -  we've known each other since birth.. ! over statement  ba?! but true magkakilala na kami many moons ago kaibigan ko na siya, higit pa sa magkapatid ang treatment ko sa kanya.

Sabay kami lumaki, mali sabay kami tumanda dahil siya lang naman kasi talaga ang tumangkad =) bata pa kami, sipunin at walang muwang, kalaro ko sa siyato, chinese garter, luksong tinik at bahay bahayan,lutu-lutuan. Kasama kong  naliligo sa swimming pool-  swimming poolan sa lumang sirang bahay na hindi natapos na pinagpapasaan namin tuwing umuulan at napupuno ng tubig ang malalim na hukay, kasama namin nagtatampisaw ang mga butete.

 Nakikitulog ako sa kanila at siya din sa amin, pagkatapos ng halos 1 oras na paalaman , at katakot takot na panalangin na sana payagan kami, eh samantalang magkapit bahay lang kami parang wala ng bukas. Mahirap kasi siya payagan strict ang parents niya.. at parang krimen pa nuon ang pakikikain sa ibang bahay sus ngayon mas in! na di ba? kasi tipid..

Kung hindi naman meron kami nuon lata na binutas sa
 gitna nilalagyan ng sinulid na ginagawa naming telepono, pinapadaan namin ito sa likod ng bintana  ng bahay.
Snack namin nuon ay "aratilis" , dapat  mag tuck-in ka para malagay mo sa loob ng sando o kamiseta mo 'yon mga bunga na mapipitas mo, hindi pa kasama duon ang pagsalitan mo ng pagsubo ng bunga at pag hulog mo sa loob ng kamiseta mo.

Maraming iba pang masasayang alaala ng kabataan. Bahagya kaming  nagkaiba ng landas nun nag dalaga na kami. Naging abala na siya sa pagtatrabaho. 
Gusto ko sana sabihin dito na humarap din kami sa pagsubok, na kung hindi pa kami umabot sa ganitong edad, hindi pa ulit namin mapag-uusapan at mapag- tatawanan.

Naalala ko nuon, meron siyang 'crush' na ka-trabaho niya, itago na lang natin ito sa pangalang 'keme'. Minsan dinalaw ko siya sa kanyang trabaho, ngunit, datapwat, subalit at sapagkat, sa hindi ko mainditihan pangyayari bakit biglang si 'KEME' ay nai-take -home ko ! At kung sadyang magbibiro ang tadhana at mananadya todo max, sa dinami dami ng bus sa Edsa, akalain mo iyon mismong  Bus na sinasakyan namin ang sinakyan niya. TODAS!

Iyon na ang naging hudyat ng isang mahabang taon ng hindi pag-uusap ni Annaliza at Flordeluna. (hahaha). Pero dahil sadyang iba ang may pinag-samahan nag back to each others arms na din kami. Every body happy. At si 'keme' na tigbak na sa isip namin. hihihi.

Lumipas ang ilang taon at magpasa hanggang ngayon., nagbago man ang size namin siya pa rin ang nag iisang PAYAT sa buhay ko. Isang pag kakaibigan na sinubok ng pagkakataon ngunit pinag tibay ng panahon.

At kahit pa nga ngayon na may sari-sariling pamilya na kami, at alam ko masaya na kami pareho sa aming mga buhay, mas naging matatag ang aming samahan. Higit sa pa sa salitang pagkakaibigan, para na siya kapatid ko, nanay ko tiyahen ko at ang kaibigan ko.

Kahit madalas pinagtitisan niya ako sa taglay ko pagk a-atat, demanding at toyo , sa kabila ng ako at hindi ako, tanggap niya ako. Sa kung paano pinag titisan ko rin ang toyo at taglay ng sungit dulot ng katandaan hahahah.. (peace).

Sa paglipas ng panahon, nakakilala tayo ng iba't ibang klaseng tao, may mga mayabang, mapag-imbot, maraming rin namang mababait ngunit sadyang madami ang mapagkunyari.
Sa katagalan natutunan ko ng tanggapin na hindi lahat pwede mo maging kaibigan.
At ang pagiging magka mag-anak ay hindi lang sa dugo, kung hindi sa puso sa kung paano kayo pinag uugnay nito.

The glyph for Taurus, quite simply, represents the bull's head and horns while I represent the Lion of my kind, I consider myself fortunate that in this lifetime, i have come to know and walk along in this journey a person like her. I am blessed to have someone like her.

She is nice, my one woman support group, my little kontrabida at times, my p.a and yaya minsan hahaha.. she's hard headed, strong willed person,  she's my F R I E N D
And  she is   my TAURUS the BULL
.

Comments