Samut Sari likha ng balintataw o halaw sa mapaglarong pag-iisip




Aliw  lang ... pag babalik tanaw...


Hindi naman lagi masaklap at malungkot ang mga entry ko.
Natutuwa ako at muli ay nagkaron ako ng pagkataon, masilip ang mga sulat ko nuon.
Malungkot pala. Puno ng Emotion.

Pero dahil wala naman permanente sa mundo at ang lahat ng bagay ay nagbabago, pagkaraan ng maraming taon ng  pakikipag laban sa lungkot .. heto masaya na ako.. yahoo... dot.. com toinkz!

Binalikan ko ang mga  ilan sa mag na i-post ko at tunay na aliw ito.
Inspired ng pinaka kwelang manunulat na si Bob ONG.

At ito ang mga sumusunod. Maligayang pagbabasa... 


Naranasan mo na ba 'yung pinaka boring na sandali a buhay o, kung kailan talagang batung bato ka na at wala kang magawa?' yun bang sawa ka na sa mga tugtugin sa radyo... wala kang mapagtiyagaan palabas sa t.v, tinatamad kang magbsa ng libro, wala kang makutkot sa ref.. hndi ka inaantok , at namasyal ka na sa Zimbabwe pero bored ka pa din?!..

BAD TRP no?! lalo na sa kaso ko bad trip 2x hhahahah! kasi kun mppansin mo, may mga tao na kahit wala silang magawa e meron pa rin silang nagagawa. isipin mo na lang..ang PC games..psp , xbox.,higanteng negosyo ..naitanung mo na ba sa sarili mo kung paano sila naimbento? siympre hindi kasi  pakialam mo di ba? pero sino ba ang unang nakaisp ng pangangailangan ng tao na ang pumindot nang pumindot para maligayahan?!sabagay sa iba talagang masarap maglaro ng computer games, (sa iba) heheh kahit parang na-gang rape ng mga martilyo ang hinlalaki mo pagkatapos.. hahah

                       xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Mdami kang matutunan sa buhay habang tumatanda ka...ang mga balewala sayo nuon mahalaga din pala malaman ito ngayon, dami kong naiisip 'di tuloy ako nag enjoy-pero may natutunan nman ako .Iba pala ang sea lion sa seals..Mas mallit ang kamay/paa ng seals..at "blowhole"ang tawag sa hingahan ng mga whale..at may pusod sila..At ang pinaka importante sa lahat.. MARAMING BAGAY ANG MAHAL PAG WALA KANG PERA.!.

                       xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Buhay High school - kamote, nagkaka phobia pag MWF Physics na, hindi ko ma enjoy ang vacant period dahil pagdating hapon subject nia, mahirap ppasukin nuon ang paa ko.Nakkatuyo ng lalamunan habang namamawis nman ang palad ko .Ganyan kasarap sa klase namin PHYSICS ang subject,para kang nasakakay sa roller coaster na may loops na kasindami ng ISLA ng PILIPINAS.. (kahit buong buhay ko hndi ko pa naranasan sumakay sa roller coaster, at kahit kailan hndi ko papangarapin makasakay dun., kaya kahit tingin pa lang ganun na ang pakiramdam... Laging my assignment,tambak ng project, hitik sa discussion ,maya maya my suprise quiz t cyempre paborito kaming tawagin sa recitation ni Ms. B., walang lusot..maarte kasi kami .galit cia sa kagaya namin.. heheh...
Naalala ko dati pumasok ako dati nang walang assignment dahil nalimutan ko, Nagulat na lang ako dahil ako pa ang pinasagot niya sa first question,Nakatingin sya habang binubuksan ko ang notebook kong alam na alam ko namang walang laman... Ang hindi niya alam,nagdadasal na ko noon na sana lumindol at bumuka ang lupa,tapos magkasunog sa laboratory kung san kami laging nagkaklase..o kaya bumagyo bumaha or magunaw na ang mundo..Basta wag niya lang malaman na wala akong assignment..hahah.. Kaso wala e.. hindi ako nakalusot.. Pero hindi naman siya nagalit..Sabi niya lang CUTE daw ako at mas bagay ako mag pa cutesa labas.. (hahhaah aus!)

                        xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
Nakarinig ka na ba ng taong nagsabi ng.. "siyeeeht'.!?...salitang amerikano ito na kahit ndi eksakto ang katumbas nito sa tin ay lintik! hindi ba?! At hindi natin ito sinsabi nang mabagal, gaya ng "linteeehk!"., dapat mabilis kasi galit ka o na bad-trip ; "LINTIK:! Kaya hindi rin akmang sabihin ang Shit! bilang Siyeeht".. kasi nagmumukha kang RETARDED..! dpat forceful; SYIT! Isang bagsakan .. Syiiit! Parang idinudura mo ang salita. Syit!..(tama ba o mali?!)


Comments