Last na.. huli na ...

 

Hindi ko alam paano simulan, pero ang alam ko lang gusto kong isulat.

Gusto kong  isulat kasi alam ko ilang linggo, buwan at taon mula ngayon bale wala na ang nararamdaman ko sa kasalukuyan expired na kumbaga.

Gusto kong  alalahanin ang panahong  ito, unang araw sa buwan ng Febrero sa taong 2016.

Tuluyan ng nagsara ang makasaysayang love story na  tumagal ng halos 7 taon.Pero hindi ito kagaya ng mga istoryang nagtatapos na kapag pinili ng wakasan ang kabanata ng buhay na hindi nauwi sa happy ever after ang bidang character eh sad na ang ending na.

Masaya at malungkot ang nagdaang halos 7 taon na pagsasama. Ngunit isang daang beses kong uulitin na hindi ako nagsisisi pinili ko ang landas na iyon. At kung magkakaroon ako ng pagkakataon balikan ang nakaraan pipiliin ko pa din ang parehong daan. Dahil hinubog ako nito sa kung ano ako ngayon.

Pinipili ko ang mga aral at masasayang alaalang dulot nito. At sa huling pagkakataon gusto ko malaman mo na kahit saan ka man naruruon at mabasa mo man ito o hindi....

Salamat sa pagsama mo sa masalimuot kong paglalakbay.Salamat sa pagsagip mo sa akin sa nalulunod kong emotion, sa pagbangon mo sa nabuwal ko pagkatao. Hindi naging madali ang laban na pinili kong tahakin kasama ka pero alam ko karapat dapat ka naman.

Salamat sa pagpapakita mo ng pagmamahal sa mga taong mahal ko at kahit paulit ulit ka hinuhusgahan ng iba, nakikita ko laman ng puso mo. Salamat sa panahon pinili mo akong makasama, ipaglaban at mahalin. Ikaw ang binigay ni God sa mga panahon kailangan ko ng isang kaluluwang makakasama ko sa paikot-ikot na gulong ng buhay. Salamat dahil nalaman ko kung ganu kasarap mahalin sa paraan kung paano ko gustong mahalin.

Salamat dahil nang binigyan ka ng mahalagang papel sa buhay namin kahit hindi madali nagampanan mo ng mabuti, job well done for you.
Salamat sa halos 7 taon na nakasama kita sa journey ko.
Thank you for being my ROCK during those times when I badly needed one.

Kadalasan hindi sapat ang pagmamahal lang para  you will end up together. Sadyang may mga bagay na kahit gaano natin gusto mapasaatin hindi magiging atin.

Matagal kitang pinagdasal, sa bawat simbahan na pinupuntahan ko hinihiniling ko na sana maging maayos ang sa lahat para sa atin. Sa loob ng ilang taon kasama kita wala ako ibang hiniling na sana ikaw na.

Ngunit pagkatapos ng ilang taon natanggap ko na din ang sagot sa kahilingan ko, ibinigay ni God ang sagot sa dasal ko sa panahong alam niyang handa na ako. Hindi man ito eksakto sa kung ano pinalangin ko pero salamat at nagkaroon ng kasagutan.

Masyado ng madami ang nangyari pero tanging tadhana lang ang makapagsasabi kung darating pa ang panahon magkrus ang ating landas. Kung mangyari man iyon masaya kitang haharapin at mananatiling may ngiti sa puso ko, ayos na sa akin malaman na  nagsisimula ka muli.

Ngunit kung hindi man dumating ang panahon na iyon, mananatili ka pa rin malaking bahagi ng  buhay ko. Sabi nga dun sa movie ni Sarah G. "sometimes not having a closure, is a closure" ... and I choose to end our story today with a thankful heart.

From this day forward, I am leaving all the bittersweet memories of the past and will completely move  on,  because I am choosing to be even happier.

I am excited to embrace the kind of life prepared for me by the Lord.
I am ready to take good chance again in a clean slate....

My Mr. Right is out there .... waiting for me...

Kaya last  na pagkakataon na ito na magsusulat ako ng tungkol sa iyo..

        huli na ... ito na ang huling sulyap sa nakaraan kasabay ng dahan... dahan..  
                        dahan..dahan..pagsasara ng ating kabanata.



                        ".. and there was no reply... the arrow and the heart didn't need any
                            and so the heart moved on."










 

Comments